SENIOR CITIZENS NA HIGIT 95 TAONG GULANG, KINILALA NG LGU NG CALASIAO

Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Calasiao ang 19 na senior citizens na may edad 95 pataas bilang bahagi ng programang pagpupugay sa mga nakatatanda ng bayan.

Layunin ng aktibidad na magbigay-pugay sa mga senior citizen na patuloy na nagsisilbing inspirasyon at haligi ng mga pamilya at komunidad.

Ang pagkilala ay bahagi ng regular na inisyatibo ng lokal na pamahalaan para kilalanin ang mga nakatatandang mamamayan na nakapag-ambag sa pag-unlad ng Calasiao sa paglipas ng mga taon.

Bilang pagkilala, tumanggap ang mga benepisyaryo ng sertipiko at grocery items sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of Senior Citizen’s Affairs (OSCA). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments