Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Burgos, Pangasinan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Curfew Ordinance kasunod ng malalaking operasyon ng pulisya sa lalawigan.
Ito ay bunsod ng buy-bust operation na nagresulta sa pagsamsam ng tinatayang ₱6.8 bilyon halaga ng shabu sa Labrador at ₱850 milyon sa Bugallon.
Bilang karagdagang hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, ipinag-utos din ng pamahalaang lokal ang istriktong implementasyon ng Muffler Ordinance sa buong bayan.
Ayon sa ordinansa, ang mga mahuhuling lumalabag sa itinakdang curfew ay agad na pagmumultahin.
Samantala, ang mga sasakyang lalabag sa Muffler Ordinance ay maaaring kumpiskahin ng kapulisan o awtorisadong opisyal, at pagmumultahin ang may-ari o drayber nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









