SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA ANG SOCIAL PENSION

Natanggap na ng mga senior citizens sa lungsod ng Dagupan ang Social Pension na nagkakahalaga ng tig-tatlong libo bawat isa mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Bahagi ng pamamahagi ang libreng serbisyong medikal na hatid ng City Health Office, ang pagbibigay ng gamot at blood pressure check up.
Naghanda rin ang City Nutrition Office ng makakain ng mga senior citizen habang naghihintay ng ayuda ng arrozcaldo, champorado, misua at sotanghon para sa mga senior citizens.

Pinaalala naman ng alkalde ang kahalagahan ng kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagbahagi kung paano mapanatiling malusog ang kalusugan ng mga senior citizens sa nasabing lungsod. |ifmnews
Facebook Comments