Lumagda na rin ang Pasay City Government ng kasunduan sa isang fastfood chain para sa pagkuha ng mga senior citizen at PWDs na service crew ng McDonald’s Philippines.
Batay sa nasabing kasunduan, hindi lalagpas ng apat na oras kada araw ang pasok ng mga senior citizens na empleyado.
Ang mga service crew naman na PWDs o People with Disabilities ay papasok ng katulad ng shift ng regular na empleyado.
Ang kailangan lamang ay magpakita sila ng medical certificate sa Pasay PESO na magpapatunay na maaari pa rin silang magtrabaho sa kabila ng kanilang edad at kapansanan.
Una na ring pinatupad sa Maynila ang pagkuha ng mga service crew na senior citizens.
Facebook Comments