PHISGOC Chairman at Speaker Alan Peter Cayetano, tiwala sa pag-uuwi ng kampeonato ng bansa para sa Sea Games

176

Umaasa si PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na maiuuwi ng Pilipinas ang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games.


Ito ay bunsod na rin ng pagsisimula mamaya para sa opening ceremony ng pinakalamalaking sporting event sa bansa.

Hinimok ni Cayetano na ito ang pagkakataon para maipagmalaki sa mga dayuhan kung anong mayroon ang mga Pilipino.

Sa iba’t ibang larangan aniya ay maipapakita ng ating mga atleta ang pagiging mahusay, malakas at disiplinado sa sports.

Bukod dito, nakakatulong din ang mga bagong pasilidad para maitaas ang adrenaline at husayan lalo ng mga manlalaro ang kanilang gagawin dahil pride itong maituturing sa bansa.

Ibinalita pa ng Speaker na dahil sa world-class facilities na naitayo may mga bansa na rin tulad sa Europa na nagpahayag ng interes na magsagawa ng kanilang pagsasanay sa bansa para sa paghahanda naman sa Olympics.

Facebook Comments