Senior High School na Estudyante, Patay sa Hit and Run!

Santiago City, Isabela- Patay ang isang menor de edad matapos ma hit and run ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas kwatro ng umaga kahapon, Enero 14, 2018 sa Divisoria, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Juspher Gonzaga, kinse anyos, SeniorHighschool at residente ng Ramos West, San Isidro, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Tarffic Group Santiago City, nag jo-jogging ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang banggain ng kasalubong na pulang sasakyan na dire-diretso ring tumakas palayo sa pinangyarihan.


Agad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaibigan at mga barangay tanod sa malapit na pagamutan ngunit idineklara na itong Dead on Arrival.

Ayon pa sa mga kaibigan ng biktima, hindi na nila nakuha ang plate number ng sasakyan dala umano ng kanilang pagkakataranta.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Traffic Group Santiago City ang pangyayari upang tugisin ang sinumang may sala sa nasabing insidente.

Facebook Comments