SUV, Tinumbok ng Driver na Walang Lisensya

Cauayan City, Isabela – Kakaliwa at papasok na sana sa Isabela United Doctors Medical Center ang isang SUV ng bigla itong salpukin ng isang motorsiklo dakong alas otso kinse ng gabi ng Enero 14, 2018.

Kinilala ang driver at may-ari ng puting Toyota Fortuner na si Imelda Amoroso, 43 anyos, physician at residente ng barangay Arellano, Quezon, Isabela.

Nakilala naman ang drayber ng itim na Rusi Motorcycle, na si Mario Campos, 37 anyos, isang helper at residente ng Research Minante 1 Cauayan City.


Batay sa imbestigasyon ng Cauayan PNP, binabaybay ni Amoroso ang kahabaan ng Maharlika Highway patungong hilagang direksyon at kakaliwa na sana ito sa IUDMC ng biglang salpukin ng paparating na motorsiklo na bumabaybay naman sa kabilang linya patungong timog na direksyon.

Napag-alaman din na ang motorsiklo ay pagmamay-ari ng isang Danilo Labog at walang lisensya ang driver nito.

Kasalukuyan namang inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ang halaga ng pinsala ng kapwa sangkot sa aksidente.

Facebook Comments