Senior High School Student, Pambato ng Quirino Province sa Miss Earth Philippines

57

Cauayan City, Isabela-Todo ang suporta ngayon ng mga kailyan ng 18-anyos na si Bb. Angel Keith Dizon para sa napipintong journey nito sa Miss Earth Philippines 2021.

Si Dizon ay kasalukuyang humaharap sa mga panelist ng beauty pageant para sa kanyang interview at final screening sa pamamagitan ng ‘Miss Philippines Earth’ Facebook page at YouTube channel.


Sa panayam ng iFM Cauayan sa Binibini, bagama’t huli na rin itong nakapagpasa ng aplikasyon sa prestihiyosong pageant pero naniniwala ito sa kanyang kakayahan para maging isang beauty queen.

Kung sakaling palarin na pumasa sa gagawing screening sa kanya ay ire-represent nito ang buong Lalawigan ng Quirino.

Matatandaan na tinanghal sa katatapos na Bb. Quirino 2020 si Dizon kung saan naiuwi nito ang korona bilang 1st-Runner up.

Sa kasalukuyan, graduating senior high school si Dizon at pangarap niya na maging isang ganap na beauty Queen.



Facebook Comments