Mga senior citizen na fully vaccinated, hinihimok ng Palasyo na manatiling homeliner

125

Patuloy na hinihikayat ng Malacañang ang mga senior citizen na edad 66 pataas, na maging homeliners na lamang muna.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa apela ni Atty. Romulo Macalintal na payagan na sanang makalabas ng bahay at makapunta sa mga mall ang mga senior citizen na fully vaccinated na.


Paliwanag ni Roque, nakita naman sa mga datos na ang mga senior citizen ang madaling kapitan ng COVID-19 at ang age group na kadalasang namamatay sa nasabing sakit.

Ayon kay Roque, karamihan din aniya sa mga edad 66 pataas ay may mga comorbidity kaya kailangan silang pag-ingatan.

Kaya ang mga senior citizen aniya kahit pa bakunado na ay kailangan pa ring manatili sa loob ng kanilang mga tahanan.

Facebook Comments