Cauayan City, Isabela – Isinagawa kamakailan ang send-off ceremony sa dalawang daan at apatnapu’t tatlong (243) mga sundalo na itatalaga sa iba’t ibang unit sa bansa.
Mariing iginiit ni Captain Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Star Division Philippine Army na itatalaga sa erya ng mindanao, cordillera at region 2 ang nasabing bilang ng mga sundalo.
Aniya, sa parte ng mindanao partikular sa isla ng Sulo ay mayroong isang brigade at tatlong battalion ng mga sundalo na nasa ilalim ng 5th ID upang tulungan umano ang division ng army doon para tugisin ang mga teroristang abu sayaff.
Paliwanag pa ni Captain Somera na sapat naman umano ang bilang ng mga sundalo sa rehiyon dos at mayroong re-enforcement umano mula sa mataas na unit ng AFP kasama ang PNP na nagtutulungan sa pagkawala ng ibang bilang ng mga sundalo.
Samantala, masigasig parin umano ang pagpunta ng mga sundalo sa mga kanayunan lalo na ang mga kamag-anak at pamilya ng mga NPA para maiparating ang programang tutulong sa kanila upang magbalik loob na lamang sa pamahalaan.