Sentido kumon, kailangan para malaman kung nabibiro si Pangulong Duterte – Panelo

Malalaman naman ng isang tao kung nagbibiro si Pangulong Rodrigo Duterte kung gagamitin lamang niya ang kanyang sentido kumon o common sense.

Ito ang depensa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga bumatikos sa pahayag ni Pangulong Duterte na istupido ang mga naniwala sa kanyang “jet ski brouhaha.”

Paglilinaw ni Panelo na hindi ang mga botante ang pinatutungkulan ni Pangulong Duterte pero ang kanyang mga kritiko.


Kung may common sense, alam ng tao kung nagjo-joke lang si Pangulong Duterte o hindi.

Binanggit lamang ni Pangulong Duterte ang “jet ski comment” para bigyang diin na hindi niya isinusuko ang soberenya ng bansa.

Facebook Comments