Sentrong tanggapan ng LTFRB at NCR office nito, pansamantalang sarado simula sa April 22

Nag-abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na pansamantalang sarado bukas ang kanilang sentrong tanggapan at ang National Capital Region office nito.

Magsisimula ito sa April 22 at magtatagal hanggang sa Lunes, April 26.

Layon nito na magbigay daan sa swab testing ng lahat ng kawani ng mga nasabing tanggapan.


Para sa mga transactions na maaring gawin online o via email, alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular (MC) 2020-016: bisitahin lang ang website ng nila.

Facebook Comments