SEPT 11

Cebu news — September 11, 2018

MAYOR NG CEBU CITY POSIBLING MAWALAN NA NAMAN NG POLICE POWERS

NAKARATING NA SA NATIONAL POLICE COMMISSION ANG REKLAMO NA INIHAIN LABAN KAY CEBU CITY MAYOR TOMAS OSMENA KAUGNAY NANG PANGINGIALAM NITO SA PAGKAKAARESTO NG TATLONG MGA LALAKI NA NAHULI SA ILEGAL NA PAGREREFILL NG MGA BUTANE CANISTERS .


AYUN SA NAPOLCOM VICE CHAIRMAN AT EXECUTIVE OFFICER NA SI ROGELIO CASURAO KAPAG NAPATUNAYAN NA MAY SALA SI OSMENA , AY POSIBLING MATATANGGALAN NA NAMAN ITO NG POLICE POWERS .

NGUNIT NILINAW NI CASURAO NA KAILANGAN ANG SAPAT NA EBIDENSIYA NA UMABUSO SI OSMENA SA KANIYANG KAPANGYARIHAN BILANG LOCAL CHIEF EXECUTIVE BAGO GUMAWA NG HAKBANG ANG NAPOLCOM LABAN DITO .

NAGHAIN NA ANG KAPOLISAN SA CEBU CITY NG MGA REKLAMO LABAN KAY OSMENA MATAPOS NITONG IKUSTODIYA ANG TATLONG MGA LALAKI NA UNANG NAHULI NG KAPOLISAN DAHIL SA ILEGAL NA GAWAIN .

KASAMA MO SA DYHP RMN CEBU _RADYOMAN KHEN GALINEA TATAK RMN.

Facebook Comments