Serbisyo Caravan, Isinagawa sa Tatlong Cleared Barangay sa Quirino

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na isinagawa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang serbisyo caravan sa tatlong mga barangay na maituturing na malinis na sa impluwensya ng New People’s Army sa bayan ng Maddela, Quirino.

Inilunsad ang serbisyo caravan sa tatlong Barangay tulad ng Villa Gracia, San Martin at Ysmael.

Dinaluhan naman ito ng ama ng Lalawigan na si Hon. Dakila Carlo Cua; Maddela Mayor Rimel Tolentino; mga opisyal ng 502nd Infantry Brigade, 86th Infantry Battalion, Philippine Army at ilang mga matataas na opisyal ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.


Sa nasabing Caravan, tinalakay ng mga dumalo ang mga nararapat na solusyon sa mga isyu upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa nabanggit na lugar.

Ito ay bahagi pa rin ng Retooled Community Support Program (RCSP) na isinasagawa ng kasundaluhan alinsunod sa EO No. 70 ni Pangulong Duterte o ang Whole of Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Facebook Comments