Manila, Philippines – Mararamdaman na sa ikatlong quarter ngayong taon ang serbisyo ng ikatlong telco o telecommunication player na Mislatel sa bansa.
Sabi ni Eliseo Rio Jr., Acting Secretary ng Dept. of Information and Communications Technology, makukuha ng mislatel ng unang bugso ng kanilang mga subscriber sa Metro Manila.
Kailangan pa rin kasing maglaan ng panahon ang Mislatel para sa pagbuo ng mga kakailanganing mga imprastraktura para masimulan ang kanilang operasyon.
Gayunman, binabantayan din aniya nila ang pagpapaganda ng serbisyo ng dalawa pang telco player sa bansa na Globe at Smart.
Facebook Comments