Serbisyo ng internet sa bansa, mas bumilis at patuloy na bumubuti

Mas bumilis at patuloy na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa kung saan, mula sa dating download speed na 7.91Mbps sa fixed broadband nito noong July 2016 ay umabot na sa average download speed na 28.69Mbps o increase na aabot sa 262.71%.

Habang umabot naman sa average download speed na 18.4Mbps ang overall mobile network performance katumbas ng pagtaas ng 148.52% mula sa speed na 7.44Mbps noong July 2016.

Matatandaang inobliga ng Pangulo ang telco na mas paigtingin pa ang kanilang serbisyo hanggang sa katapusan ng taon dahil sa pagtaas ng work, education at entertainment related usage sa gitna ng banta ng COVID-19.


Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, aprubado na ng pamahalaan ang mahigit 2,200 applications para sa permits ng Telco firms sa pagpapatayo ng cell towers para sa mabilis na konstruksyon ng cell sites at mas maayos na connectivity services hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments