
Pinalalakas ang serbisyo ng kapulisan sa Lingayen sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bagong gusali ng Municipal Police Station sa bayan.
Kamakailan, nagsagawa ng inspeksyon sa konstruksyon ang hepe ng pulisya kasama ang ilang tauhan upang tiyaking naaayon sa plano at pamantayan ang proyekto.
Layunin nitong matiyak na magiging maayos, moderno, at mas episyente ang pasilidad para sa mga pulis at mamamayan.
Ayon sa pamunuan, makatutulong ang bagong himpilan sa pagpapabuti ng serbisyo, pagpapalakas ng operasyon, at pagbibigay ng mas maayos na lugar para sa mga residenteng humihingi ng tulong.
Patuloy naman ang monitoring sa proyekto upang masiguro ang wastong paggamit ng pondo at ang napapanahong pagkumpleto ng gusali.
Facebook Comments










