Serbisyo ng kuryente sa Iloilo, magtutuloy-tuloy – DOE

Iloilo – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa Iloilo sa kabila ng mga isyu sa prangkisa.

Ang pagtiyak ay ginawa ni DOE Secretary Alfonso Cusi makaraang makipagpulong ito sa mga kinatwan ng Panay Electric Company (PECO), Panay Power Corporation, Panay Energy Development Corporation at Palm Concepcion Power Corporation upang tiyakin ang tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa Iloilo.

Ang pulong ay ipinatawag upang i-coordinate ang mga aksyon ng lahat ng concerned power industry players, habang nakabinbin ang resolusyon sa isyu ng franchise na magpapatakbo ng distribution system.


Sa pulong, sumang-ayon ang Panay Electric Company (PECO) na ipagpatuloy muna ang operasyon kahit na mag-expire ang franchise nito sa Enero 19, 2019.

Tinitiyak ng kalihim sa mga mamamayan ng Iloilo City, La Paz, Jaro, at Arevalo na walang power disruptions dahil sa isyu ng franchise, pansamantala mananatili ang PECO bilang provider ng serbisyo ng kuryente sa lugar

Facebook Comments