Tinitiyak ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na nagpapatuloy ang serbisyo ng Telemedicine Hospital ng Taguig Pateros District Hospital habang umiiral pa rin community quarantine sa Metro Manila.
Sa pamamagitan aniya nito na mabibigyan ng access ang mga residente ng lungsod para sa free consultations sa mga doktor sa pamamagitan ng text, call o video call.
Kasama na aniya rito ang pagpakonsulta sa mga doktor ng pedia, medicine, surgery at Ob-Gyne kung saan magbubukas ito mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga.
Para naman sa mga pasyente na walang mobile phones, maaari aniya silang makipag-ugnayan sa mga barangay health center.
Layunin aniya nito na ma-decongest ang Taguig Pateros District Hospital upang tugunan ang mga pasyente mas nangangailangan ng tulong medical o mga emergency cases.