Tulong tan Kaliketan para ed Masang Pilipino

Ginanap ang isang Public Service Expo ng RMN sa Lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng music station nito na 104.7 iFM, kung saan sari-saring trabaho mula sa iba’t ibang kompanya at free services mula sa mga ahensya ng gobyerno ang handog sa lahat ng mga nakiisang kababayan natin.

Aabot sa Dalawang Daan na mga Masang Pilipino ang nabigyang serbisyo noong August 28, 2017 sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani at kasabay nito ang ika-65 pagkakatatag ng RMN.

Katuwang sa pagbibigay Serbisyo Publiko ang mga kinatawan mula sa SSS Dagupan, PhilHealth RO1, DFA Consular Office Calasiao, at Public Employment Services Office Dagupan, Department of Labor and Employment Dagupan.


Bukod dito ay namigay di ng papremyo ang kompanya para sa lahat ng mga avid listeners nito na talagang tumatangkilik sa mga programa at personalities ng iFM sa Lungsod ng Dagupan. Sa pamamagitan ng RMN’s Six-Fifty sa 65th Anniversary Promo namigay ang 104.7 iFM sa mga maswerteng nahuling nakikinig sa istasyon noong August 28 ng P650 at iFM Limited T-shirts kung saan pito (7) ang nanalo at samantalang tatlo (3) naman sa mga nanood ng AVP ni RMN Chairman & President Eric S. Canoy at nakasagot ng tama sa ating mga anniversary questions on-air.

Naging matagumpay ang nasabing public service expo na nasa ika-7 taon ng ginagawa ng 104.7 iFM Dagupan sa Lalawigang Pangasinan at ang pamimigay ng mga papremyo sa ating mga tagapakinig na tumatangkilik sa lahat ng mga programa at serbisyo ng RMN at iFM. Ito ay alinsunod sa adbokasiya ng Ama ng RMN na si Don Henry R. Canoy na ipinagpapatuloy ng kanyang anak na si RadyoMaN Chairman & President Mr. Eric S. Canoy na makatulong sa Masang Pilipino.

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa RMN at iFM! Asahan po ninyo ang aming tuloy-tuloy na pagbibigay ng quality entertainment, makatotohanang News & Public Affairs, at paghahatid ng Public Service para sa Masang Pilipino.

Facebook Comments