
Ipinakita ng pamahalaang lungsod ng Alaminos City ang kanilang buong suporta sa mga atletang kalahok sa R1AA Meet 2026 sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang serbisyong medikal sa buong tagal ng kompetisyon na ginaganap sa Candon.
Ayon sa mga opisyal, nakaantabay ang kanilang medical team upang tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng bawat atletang lumalaban para sa karangalan ng lungsod.
Bahagi ito ng mas pinaigting na paghahanda ng lungsod upang hindi lamang matiyak ang tagumpay sa kompetisyon, Pinuri rin ang dedikasyon ng mga manlalaro na patuloy na nagsusumikap at nagpapakita ng husay sa iba’t ibang larangan ng palakasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










