Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang kanilang ‘Oplan Kalusugan’.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, layon ng programa na matiyak na mabibigyan ng primary health at dental care ang mga batang mag-aaral para mailabas ang kanilang potensiyal sa pag-aaral.
Aniya, magiging madali sa mga bata ang makapag-concentrate sa kanilang pag-aaral kapag walang iniindang karamdaman at kapag malakas ang kanilang mga pangangatawan.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa mga Health Providers at Local Government Units (LGUs) para sa serbisyong pangkalusugan.
Tiniyak rin ni Sec. Briones, sa susunod na mga taon ay wala ng lalampa-lampang estudyante bunsod nang implementasyon ng programa sa buwan ng Hulyo ng school year 2018-2019.