Serbisyong Pangkalusugan mas palalakasin pa sa Maguindanao

Mas papalakasin pa ng GMSM o Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao ang pagbibigay ng Serbisyo Medical sa buong lalawigan.

Araw araw aniyang mag-iikot sa ibat ibang barangay ng 36 bayan ang Medical Team ng GMSM para maisigurong maipaabot sa bawat residente ang medical services, itoy ayon pa kay Governor Elect Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Muli rin aniyang bubuksan ang ilang mga naabandonang Hospital sa ilang bayan ng lalawigan, karagdagang mga Medical Equipments din ang ilalaan sa Maguindanao Provincial Hospital at gagawing Hospital din ang bagong gawang fully aircondition na White House o Provincial Capitol sa Buluan.


Karapatan aniya ng bawat taga Maguindanao ang mabigyan ng tamang serbisyong pangkalusugan giit pa ni Bai Mariam na isa ring Nurse.

Hindi lamang aniya ang karamdaman ng mga residente ang bibigyang pansin nito kundi ang karamdaman ng Maguindanao Province na itinuturing na ikalawang pinakamahirap ng lalawigan sa buong bansa.

Ang mga pahayag ni Bai Mariam ay kanyang sinabi sa harap ng mga residente na kanyang nakakaharap kasabay ng kanyang pag-iikot sa ibat ibang bayan ng lalawigan noong panahon ng pangangampanya.

Sa June 30 ng tanghali, pormal ng uupo bilang Gobernadora ng Maguindanao si GMSM.

Facebook Comments