Sermon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa banal na misa para sa Itim na Nazareno, sumentro sa debosyon at iba’t-ibang kaloob

Sumentro sa tema ng traslacion 2020 ang sermon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ginanap na misa kanilang madaling araw.

Pinagnilayan ng cardinal ang tema ng traslacion ngayong taon na: “iba-t ibang kaloob, iisang debosyon, tungo sa iisang misyon” hango sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso.

Ayon kay Tagle, may debosyon o katapatan si hesus sa diyos ama at ipinakita niya ito sa pamamagitan ng pagiging masunurin hanggang kamatayan.


Dapat aniyang tularan ng mga deboto ang debosyon ni hesus sa kapwa nang hubarin nito ang kanyang pagka-Diyos at karangalan para makapiling ang sangkatauhan.

Binigyaang diin din ni Tagle ang dakilang pag-ibig ng diyos ama at isinugo nito ang kanyang anak para iligtas ang sanlibutan.

Nanawagan din si Tagle na dapat gamitin sa kabutihan ang talentong ibinigay ng Diyos at palaganapin ang pagmamahal ng Diyos.

Facebook Comments