Sertipikasyon na urgent ng Pangulo, hindi garantiya sa pagpasa ng isang panukala

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senate President Tito Sotto III na walang kasiguraduhan na maipapasa ang isang panukala kahit ito ay sertipikadong urgent o pinamamadali ng Pangulo.

Reaksyon ito ni Sotto makaraang pumutok ang balita na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang SOGIE Equality Bill.

Paliwanag ni Sotto, ang certification mula sa Pangulo ay nagpapadali lamang sa proseso sa pagsalang sa plenaryo ng isang panukala.


Samantala, masaya naman si Sotto na nilinaw ng Malakanyang na ang Anti-discrimination Bill na katulad nang inihain ni Senator Sonny Angara ang planong sertipikahang urgent ng Pangulo at hindi ang SOGIE Equality Bill.

Ayon kay Sotto, mas malaki ang tsansa na maisabatas ang Anti-Discrimination Bill dahil hindi ito nakabatay lamang sa sexual orientation.

Paliwanag ni Sotto, saklaw din nito ang pagbabawal sa diskriminasyon sa edad, racial o ethnic origin, relihiyon, marital o relationship status, medical statue, at physical features.

Facebook Comments