Serum institute of india, nasunog; 5 katao, patay!

44

Lima katao ang nasawi sa nangyaring sunog sa Serum Institute Of India’s facilities sa Pune, India.

Ayon kay Serum Institute’s CEO Adar Poonawalla, ikinalulungkot nila ang pagkasawi ng limang empleyado ng nasabing kompanya.


Nakahanda rin ang pamunuan ng kompanya na bayaran ng higit kumulang P1.64 million ang pamilya ng mga nasawi.

Kasabay nito, tiniyak ni Poonawalla na hindi maaapektuhan ng nangyaring sunod ang produksyon ng bakuna ng Oxford-Astrazeneca laban sa COVID-19.

Facebook Comments