Thursday, April 9, 2026

Service contracting at ₱10/litro fuel subsidy sa PUVs, ipatutupad ng pamahalaan —PBBM

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng service contracting program para sa mga pampublikong transportasyon simula April 15.

Sa ilalim ng programa, babayaran ang mga operator at driver ng ₱40 hanggang ₱100 kada kilometro, bukod pa sa kita nila sa pamasahe.

May 20% na diskwento rin sa pamasahe para sa mga commuter.

Ipapatupad ito sa off-peak hours upang masigurong may masasakyan kahit hindi rush hour, habang lalagyan ng GPS monitoring ang mga sasali upang matiyak ang maayos na serbisyo.

Bukod dito, magbibigay din ang pamahalaan ng ₱10 kada litro na fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs), na may maximum na 150 litro kada linggo sa loob ng tatlong buwan.

Sisimulan ang implementasyon sa National Capital Region (NCR) bago palawakin sa iba pang bahagi ng bansa.

Ipatutupad ito sa mga aprubadong gasolinahan lamang upang maiwasan ang pang-aabuso.

Facebook Comments