Naglatag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng panibagong ayuda para sa mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon.
Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, inilunsad nila ang service contracting scheme para ayudahan ang transport sector sa gitna ng pandemya.
Ani Bolano, naglaan ng ₱5.58 billion ang gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2.
Sa ilalim ng service contracting service scheme, ipagkakaloob ang ayudang pinansyal sa pamamagitan ng performance base subsidy o sa kada kilometro ay kikita ng ₱11.00 ang bibiyaheng pampublikong sasakyan.
Lingguhan ang pagkakaloob ng ayuda sa pamamagitan ng Landbank of the Philippines.
Tatakbo sa loob ng tatlong buwan ang programa at inaasahang nasa 30,000 na public utility vehicles ang kokontratahin.