Nakipagdayalogo si Department of Information and Communications (DICT) Secretary Manny Caintic sa mga operator at aplikante ng Private Express and Messengerial Delivery Services o PEMEDES.
Kabilang dito ang app based companies gaya ng Lalamove, J&T, Toktok, Lazada, Angkas, Airspeed at iba pa.
Ayon kay DICT Secretary Manny Caintic, layunin ng kanilang pakikipagdayalogo sa kompaniya na talakayin ang mga isyu sa regulatory processes at concern ng mga ito.
Tiniyak din ng DICT na hindi sila magiging hadlang sa pagpapalawig ng kanilang negosyo lalo pa’t mahalaga ang papel na ginagampanan nila ngayong panahon ng pandemya.
Ito ay upang mapabilis ang paglaki at mapadali ang kanilang pag-operate sa bansa.
Nilinaw rin nila ang proteksyon dapat ng publiko o consumers.
Tulad ng ayaw nila na may nananakaw o nawawala ang mga deliveries ng mga costumers.
Kailangan na sumunod ng mga kompaniya na sa services level agreements sa kanilang mga customers gaya ng Pangakonja delivery.
Gusto rin ng DICT na makasigurado na hindi sila nagtatransport ng mga ilegal na kagamitan o droga o anuman.