5 pulis na dawit sa pagkawala ng sabungero sa Laguna, sinampahan ng reklamo ng CIDG sa DOJ

135

Ipinagharap ng reklamong robbery with intimidation and by a band ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ang limang pulis na dawit sa pagkawala ng isang sabungero sa San Pablo City, Laguna.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pagnakaw sa mga gamit at pagkuha sa kanyang bahay sa Laguna noong August 30, 2021, sa biktimang si Ricardo Ricafort Lasco Jr., 44 anyos at master agent sa online sabong.

Ang mga kinasuhang pulis ay sina Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan, Patrolman Roy Navarete, Police lieutenant Henry Sasaluya, Police Master Sergeant Michael Claveria, Patrolman Rigel Brosas at ibang hindi pa natukoy na pulis mula sa CALABARZON.


Tumatayong complainant at witness sa kaso ang partner ni Lasco na si Princess Montañez.

Pinanumpaan ni Montañez at ng tatlong iba pang kamag-anak nito ang reklamong inihain nila sa DOJ.

Facebook Comments