Serving ng arrest warrant sa isang miyembro ng NPA, nauwi sa engkwentro

Sorsogon, Philippines – Nauwi sa engkwentro ang pages-serve lang sana ng warrant of arrest ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army katuwang ang PNP-Bicol laban sa isang miyembro ng New People’s Army sa Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Michael Bagasala, miyembro ng Celso Minguez Command na nanlaban sa mga awtoridad kasama ang lima pang mga miyembro ng NPA.

Inabot ng wala pang 10 minuto ang naganap na bakbakan at walang nasugatan sa panig ng mga awtoridad.


Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis sa mga naturang rebelde.

Facebook Comments