Session ng Kamara, agad tinapos dahil sa masamang lagay ng panahon

Agad nag-adjourn ng sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw, dahil sa masamang lagay ng panahon hatid ng Bagyong Florita.

Binuksan ang sesyon para i-welcome ang bisita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na si Singapore ambassador Gerard Ho Wei Hong.

Kasunod nito ay nag-mosyon agad si House Majority Leader Mannix Dalipe para i-adjourn ang sesyon, dahil sa masamang panahon na inaprubahan sa pangunguna ni House Deputy Speaker Duke Frasco.


Bukas (Aug. 24) ay magbabalik-sesyon naman ang Kamara, alas-2:00 ng hapon.

Kahit suspendido na ang session ay tuloy pa rin ang pasok ng mga empleyado dito sa kamara at ilang committee rin ang nagsasagawa ng organization meeting.

Facebook Comments