Idineklara ni Pangulong Duterte na special working holiday ang araw ng Martes, Setyembre 3, alinsunod sa Republic Act 11216.
Nakasaad sa nasabing batas na pinirmahan ni Duterte noong Pebrero 14, ang paggunita sa pagsuko ng puwersa ni Army General Tomoyuki Yamashita noong World War II.
Taong 1945 nang sumuko si Yamashita at kaniyang tropang militar sa Camp John Hay, lungsod ng Baguio.
Ang naturang pag-atras ay naging hudyat ng pagtatapos ng ikalawang digmaan pandaigdig.
Sa sumunod na taon, binitay ang heneral sa pamamagitan ng pagbigti sa Los Baños, Laguna makaraang hatulan ng parusang kamatayan ng American Military Tribunal.
Facebook Comments