Severe at critical COVID-19 cases, patuloy ang pagtaas; higit sa kalahati nito, hindi fully vaccinated ayon sa DOH

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga severe at criticial cases na naa-admit sa mga ospital nitong mga nagdaang linggo.

Pahayag ito ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa media forum kasabay ng paglunsad ng PinasLakas Campaign sa Rizal High School sa Pasig City.

Mababatid na umakyat sa 811 o katumbas ng 9.7% ng mga COVID-19 patients na na-admit sa mga ospital ay nasa severe o kritikal na kondisyon na siyang pinakamatraas ito sa nakalipas na walong linggo.


Ngunit ayon kay Vergeire, hindi pa lumalagpas sa 10% na threshold o 1,000 pasyente ang naitatalang kaso.

Lumalabas din sa datos ng DOH na 60% ng mga ito ay hindi bakunado o partially vaccinated lamang.

Kaya umaasa ito sa pamamagitan ng PinasLakas campaign ng pamahalaan ay mababawasan ang mga naitatalang severe at critical cases ng COVID-19.

Facebook Comments