SEX SCANDAL | PNPA Director, mananatili sa pwesto sa kabila ng panibagong issue sa mga kadete

Manila, Philippines — Mananatili sa pwesto si Philippine National Police Academy Director Joseph Adnol sa kabila ng pagputok ng pinakahuling iskandalo na kinasasangkutan ng mga kadete.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde magpapatuloy ang panunungkulan ni Adnol hanggang sa maibalik ang pamamahala ng PNPA sa Philippine National Police .

Matatandaang nagplano na noong mag-resign sa kanyang pwesto si Adnol matapos ang nangyaring insidente ng pambubugbog ng mga lowerclassmen sa kanilang upperclassmen pagkatapos ng graduation ceremony noong Marso pero tinanggihan ito ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.


Sa pinakahuling iskandalo, 3 upperclassmen naman ang nasangkot sa isang insidente noong october 6 kung saan inutusan umano ng isa sa kanila na mag-oral sex sa kanyang harapan ang dalawang nakababatang kadete, habang nanonood ang dalawa pang upperclassmen.

Sinabi kahapon ng PNP Chief na bagamat wala pang nakarating na pormal na report sa kanya, ay ipinagutos na niya sa DIDM ang pag-iimbestiga sa mga sangkot na kadete.

Tiniyak ni Albayalde na tatanggalin sa akademiya ang mga sangkot na kadete kung mapatunayang may kasalanan ang mga ito.

Facebook Comments