Manila, Philippines – Kinastigo ng Supreme Court sa pamamagitan ng pag-disbar ang isang abogadong umabuso sa kapangyarihan para makakuha ng sexual favors sa kanyang sekretarya.
Napatunayan sa Court En Banc na guilty si Atty. Antonio N. De LOS Reyes, dating Vice-President ng Legal and Administrative Group ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), sa gross immoral conduct bukod pa sa paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 at Rule 7.03, Canon 7 Code of Professional Responsibility.
Iginiit din ng Korte Suprem na ang good moral character ay hindi lamang prerequisite para sa isang abogado, kundi ito ay continuing requirement sa pagpa-practice ng law.
Lumabas din sa imbestigasyon na pinipilit ni Atty. De Los Reyes ang kanyang sekretarya na gumawa ng sexual favors sa kanya para hindi ito matanggal sa trabaho.