SEXUAL ASSAULT | Hollywood action star Steven Seagal, inireklamo

Amerika – Inireklamo ng dalawang babae ng sexual assault si Hollywood
action star Steven Seagal.

Kwento ng isa sa mga nagreklamo na si Regina Ramos, 25 taon na ang
nakakalipas ng gasahain umano siya ni Seagal matapos silang dumalo sa isang
party kung sana binigyan siya ng pera para manatiling tahimik.

Sinabi naman ng isa pang complainant na si Faviola Davis, 2002 nang gawan
siya nang kahalayan ni Seagal matapos siyang sumali sa isang audition sa “W
Hotel”.


Dagdag pa ng dalawa, bahala na daw ang kanilang abogado na magsampa ng
reklamo laban kay Seagal pero kanila na daw itong ini-report sa Los Angeles
police department.

Sa ngayon, wala pa anman pahayag ang action star hinggil sa nasabing
akusasyon lalo na at hindi ito ang unang beses na inireklamo siya ng sexual
assault.
<#m_2128877515176787469_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments