Sexual assault sa isang estudyante ng UP Diliman, hindi dapat maging dahilan ng campus militarization

Isa si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas sa mga kumukondena sa nangyaring pangmomolestya sa isang estudyante ng University of the Philippines sa Diliman campus nito.

Gayunpaman, nangangamba si Brosas na ang naturang insidente ay gamiting rason upang maisulong ang militarisasyon at presensya ng pulisya sa UP Diliman at iba pang paaralan.

Tinukoy ni Brosas ang pahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero ‘Popoy’ de Vera na dapat pag-aralan ng UP at i-rationalize ang operational engagement nito sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies.


Mungkahi ni Brosas sa UP administration, mas mainam na makipagtulungan ito sa women’s rights advocates at origanisasyon para makabuo ng komprensibong plano at hakbang na tutugon sa insidente at titiyak sa kaligtasan at kapakanan ng buong UP community.

Facebook Comments