Pinakikilos ngayon ng Kamara ang gobyerno para labanan ang paghawa ng sakit na dengue sa pamamagitan ng sexual contact.
Ayon kay dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin, 9 sa 10 mga Pilipino ang mayroong dengue ngayon.
Walumpung porsyento sa mga ito ay hindi nila alam na sila ay may virus o dengue dahil wala namang nakikitang sintomas.
Hindi aniya malabo na kumalat ang dengue sa pamamagitan ng sexual transmission dahil hindi naman nalalaman agad ng isang tao na siya ay may dengue na.
Naalarma ang kongresista sa paglutang pa ng iba pang uri ng dengue virus na maaaring may matinding epekto at walang sintomas.
Dahil dito, agad na pinagsasagawa ng awareness ang pamahalaan sa publiko upang malaman kung sa papapano maiiwasan ang dengue kung ito ay makukuha sa pakikipagtalik.
Mababatid na kamakailan lamang ay inamin ng Public Health Department ng Espanya na may naitala na silang unang kaso ng dengue sa Madrid na naipasa dahil sa sexual transmission.