SGLG 2018, Pinaghahandaan na ng Alicia!

Alicia, Isabela – Puspusan na ngayon ang paghahanda ng bayan ng Alicia para
sa Seal of Good Local Governance o SGLG 2018 upang maabot pa rin ang
pamantayan katulad nang nakaraang taon.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Municipal Administrator Rogelio P.
Benitez, sinabi nya na ang SGLG ay isang proyekto ng Department of the
Interior and Local Government o DILG na nagsasagawa ng ebalwasyon at
pagtatasa sa lahat ng lungsod at bayan kaugnay sa ibat ibang aspeto tulad
ng mga proyekto na magsisilbi sa mga taong bayan.

Idinagdag pa ni Administrator Benitez na dalawang beses nang nakumpleto ng
Alicia ang pamantayan mula sa financial, housekeeping at serbisyo.


Umaasa pa si Benitez na ngayong taon ay makakamit ulit ng Alicia ang Hall
of Fame upang maidagdag pa sa mga proyekto ng bayan.

Ipinagmalaki pa ni Administrator Benitez na sa unang premyo ay isang
commercial center ang pinag-laanan nito at ang pangalawa ay isang public
toilet kung saan patuloy parin itong tinitingnan ng DILG dahil layunin
umano ng gobyerno na lahat ng proyekto ay dapat na tutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.

Matatandaan na inilunsad ng DILG ang SGLG taong 2014 kung saan nitong
nakaraang 2017 ay may 448 LGU’s ang nakatanggap ng Seal of Good Local
Governance.

 

Facebook Comments