SGLG AWARD, INAASAHANG MASUNGKIT NG LGU CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Umaasa ang pamunuan ng DILG Cauayan na makukuha muli ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong 2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Christi Anna Cielo, Local Government Operations Officer II ng DILG Cauayan, isasagawa ngayong Linggo ang assessment o calibration ng DILG Region 2 sa mga dokumento ng LGU Cauayan matapos ang isinagawang masusing assessment noong May 17 na kung saan ay marami pang dokumento ang kailangang i-comply ng pamahalaang lokal ng Cauayan.

Ayon kay Cielo, mayroong sampung kategorya at iba’t-ibang areas ang ina-assess ng DILG sa isang LGU tulad na lamang ng performance pagdating sa Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts at Youth Development. Mula sa sampung areas na tinitignan ng Regional Assessment team, kumpiyansa naman ang DILG Cauayan na makakapasa ang lokal na pamah

alaan sa isinasagawang calibration ng DILG Region.
Tatlong taon ng magkakasunod na pinarangalan ng SGLG o Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ang Cauayan City simula noong taong 2017, 2018 at 2019.

Kaugnay nito, umaasa ang DILG Cauayan na mapapasama sa Shortlist ng regional office ang LGU Cauayan para maiendorso rin sa National level.

Ayon pa kay Cielo, isang karangalan sa isang LGU na makuha ang SGLG dahil nagpapakita lamang ito na maganda ang ibinibigay na performance at serbisyo sa publiko.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga empleyado ng LGU Cauayan na gawin ng tama at mabuti ang mga sinumpaang trabaho upang sa ganon ay makamit ang minimithing parangal.

Facebook Comments