DA, nilinaw na walang oversupply ng gulay sa bansa

76

Walang oversupply ng mga gulay sa bansa.

Ito ay nilinaw ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) matapos mag-viral noong nakaraang linggo ang isang larawan ng magsasakang nagbebenta ng bagsak-presyo ng ani niyang gulay sa bayan ng Benguet.

Ayon kay DA-Cordillera Administrative Region (CAR) Director Cameron Odsey, may mga naibenta na ring carrots ang naturang magsasaka bukod pa sa mga nakita sa kaniyang larawan.


Paglilinaw pa ni Odsey na naging problemado ang magsasaka dahil makalipas ang dalawang araw ay hindi pa rin niya naibebenta ang kaniyang mga produkto.

Pero, sa loob lamang ng isang oras nang mai-post sa Facebook ang kaniyang paninda ay naubos naman agad ito.

Samantala, kinumpirma rin ni Odsey na maganda ang bentahan ngayon ng gulay sa CAR.



Aniya, patuloy ang mga programa ng gobyerno para ihatid ang mga inaning gulay ng mga magsasaka sa mga maraming konsyumer.

Kampante rin si Odsey na hindi magkakaroon ng problema sa produksyon ng gulay sa kabila ng food crisis sa bansa.


Facebook Comments