Wala ng mahihiling pa si San Jose Del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes sa pagdiriwang ng kaarawan noong Nov. 6 dahil natupad na ang kanyang birthday wish at ito ay ang karangalang maipagkaloob sa kanyang nasasakupang siyudad ang pinakaaasam ng lahat ng local government unit na karangalan walang iba kundi ang Seal of Good Local Governance o (SGLG) na ipinagkakaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang natatanging SGLG ay pormal na ipinagkaloob kay Mayor Robes sa isang pormal na seremonya na ginanap sa Manila Hotel ng Nov. 5.
Sa pahayag ni Mayor Robes sinabi nito: “ Oo naman. Kasi ang SGLG (Seal of Good Local Governance) ay isa sa pinakamahalagang award ng local government. Sa lahat ng award na nakakamtan natin ito ay ipinapagpasalamat natin sa Panginoon dahil binibigyan tayo ng lakas ng katawan at liwanag ng isip para pagbutihan ang paglilingkod.”
Hindi rin nakalimutan ni Mayor Robes na ialay sa kanyang kapuwa San Josenos ang karangalan “Hndi lang naman ito award ko, award ito ng buong City dahil sa pagsisikap natin dahil gusto nating mapaganda ang buong lungsod. We are tagging San Jose City as the rising city maybe the next highly urbanized city naman. So it is not only my accomplishment but big accomplishment of all San Josenos.”
Pero paano nga ba nakamit ng SJDM City ang Seal of Good Local Governance o SGLG? “Mahabang proseso yan. Bawat departamento ay binibigyan ng mga requirement para naming makamtan yan. So for the past three years. now, we are very thankful na nakamtan na naming.” Pahayag pa ni Mayor Robes
Gayunman mayroon pa ring munting hiling si Mayor Robes sa kanyang kaarawan at ito ay ang : “Good health naman para mas lalo pa nating matagalan ang paglilingkod.”
Kabilang pa sa mga natanggap na pagkilala ng San Jose City sa taong ito ay ang ; City with the highest accredited day care workers 100%, For providing outstanding logistical support for the seaman of the city of SJDM, having the highest budget allocation for the implementation of “Pantawid Pamilyang Pilipino Program”, Innovation Award-Extraordinary outcome from the implemented activities and practices related to climate change adaptation at Most Supportive Mayor Award 2019 para kay Mayor Robes.
Samantala sa ginanap na flag raising ceremony noong Lunes Nov. 4 sa munisipyo ng SJDM City ay pormal naming ipinagkaloob ni Mayor Robes ang Certificate of Affirmation sa isang pinuno ng mga katutubo na si Benjamin San Jose ng San Isidro bilang pagkilala at pagtanggap dito na opisyal na kinatawan ng mga katutubo o indigenous people sa Sangguniang Panglunsod. Kasabay nito ang panunumpa ni San Jose sa kanyang tungkulin.
“Of course siya ang magiging representante ng ating mga katutubo dun sa kabundukan na proproteksyon of course sa ating bundok, magiging miyembro siya ng Sangguniang Panglungsod.”
At bilang pagkilala ni Mayor Robes sa kanyang nasasakupan, isang tatanging gawag parangal ang ipagkakaloob ng alkalde sa mga natataning kawani ng gobyerno, edukasyon at maging ng simpleng mamamayan.
“Every birthday ko nagbibigay ako ng parangal sa mga natatanging San Joseno na nagmula sa kawani ng gobyerno, kawani ng Departnet of Education, mga simpleng mamayan para isang karangalan na sabihin nating sila ay magaling na lingkod bayan.”
Sa kanyang mga natamong karangalan at pagkilala sa taong ito, mayroon pa bang gustong makamit ang masipag at butihing alkalde ng lungsod ng SJDM?
“Infrastracture wise marami pa, investment wise marami pa rin dahil alam nyo naman na ngayon pa lang naguumpisa ang siyudad ng San Jose sa pag-usbong at sa pag-unlad.”
“Sa dami ng programa ni Congresswoman, kahit ako nalulunod na rin. Pero sasamahan naming lahat ng programa nang sag anon makamit kaagad ng mamamayan ang pagbabago at pagasenso ng lungsod.”pagtatapos nito.