Shabu lab sa Caloocan City, natuklasan ng PDEA at Customs

Natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang shabu laboratory malapit sa kahabaan ng C3 road Caloocan City.

Katabi lamang ng shabu lab na ito ang isang kilalang drug store sa lugar.

Ayon sa PDEA, kayang makagawa ng tatlo hanggang limang kilo ng shabu kada araw sa ganitong kalaking shabu lab.


Sa loob ng naturang lab ay natagpuan ang mga drug paraphernalia at mga finished product na liquid shabu na nasa loob ng refrigerator.

Hinala ng mga otoridad na may koneksyon ito sa nasabat na 231 kilo ng shabu sa Valenzuela City noong Martes.

Samantala, wala namang naaresto sa isinagawang operasyon.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng PDEA ukol dito.

Facebook Comments