Quezon City, nanguna sa may pinakamaraming naitalang COVID-19 kahapon

175

Nakapagtala kahapon ang National Capital Region (NCR) ng 149 na bagong kaso ng COVID-19.

Batay kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nanguna ang Quezon City sa mga lungsod na may pinakamaraming naitalang kaso.

Sinundan ito ng Lungsod ng Maynila, Makati, Taguig, Parañaque, at Pasay.


Mas mababa naman sa sampu ang naitalang kaso ng COVID sa Caloocan, Malabon, Las Piñas, Mandaluyong, Pasig, San Juan, Marikina, Muntinlupa at Valenzuela.

Wala namang naitalang kaso ang Navotas at Pateros.

Facebook Comments