SHABU SA ICE BAG: HIGIT 200,000 HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA SA LINGAYEN

32

LINGAYEN, PANGASINAN – Tatlong katao ang arestado matapos mahulihan ng tinatayang 200,000 halaga ng hinihinalang shabu na isinilid pa sa ice bag sa Maramba Boulevard Brgy. Poblacion, Lingayen.

Ayon sa PNP Lingayen, alas 3: 15 ng madaling araw kanina nang arestuhin sa buy-bust operation ang 23-anyos na construction worker, 40-anyos at 26-anyos factory worker na lalaki.


Nakuha mula sa mga target ang hinihinalang shabu na may bigat 35-gramo at itinago sa isang ice bag.

Nakuha rin ang 49,000 pesos na boodle money at cellphone na ginamit sa ilegal na transaksyon.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 o ang mabigat na paglaban sa ipinagbabawal na gamot ang mga naturang suspek.

Facebook Comments