SHABU SHIPMENT | Hindi pagsipot ni Lapeña sa pagdinig ng Senado, ikinadismaya

Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang hindi pagsipot ni dating customs chief Isidro Lapeña sa pagdinig ng komite hinggil sa P11-billion shabu shipment na nakalusot sa bansa.

Giit ng Gordon, dapat nirespeto ni Lapeña ang Senado lalo na at nagsasagawa pa rin sila ng pagdinig patungkol sa naturang usapin kahit na naka-recess ang Kongreso.

Ayon sa senador, “change of command” ang idinahilan ni Lapeña kung bakit hindi ito nakadalo sa pagdinig kahapon.


Dahil dito, sabi ni Gordon muli siyang magpapatawag ng pagdinig.

Facebook Comments