Shake hands at paghalik sa mga sanggol, ipagbabawal sa campaign period

Mahigpit na ipagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato ang anumang uri ng “public display of affection” (PDA) sa buong campaign period para sa 2022 national election.

Sa ginanap na online forum ng Committee on People’s Participation, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ipagbabawal na ang mga nakasanayan ng mga kandidato na PDA tulad ng shake-hands at paghalik sa mga sanggol.

Bagama’t batid ni Jimenez na parte na ng pangangampanya ang PDA ng mga kandidato, hindi naman na ito papayagan ngayong nasa gitna ng health crisis ang bansa.


Samantala, hindi naman iba-ban ang mga mass gatherings sa election season pero lilimitahan lamang ito sa maliliit na grupo at strikto itong kokontrolin upang hindi maging “super spreader event.”

Mahigpit ding ipagbabawal ang pamamahagi ng pagkain ng mga kandidato sa mga botante.

Kinakailangan ding magkaroon muna ng pakikipag-ugnayan ang kampo ng kandidato sa mga barangay bago makapagsagawa ng aktibidad para matiyak na magiging maingat at kontrolado ang campaign period.

Facebook Comments