Post-baby figure ni Janella Salvador, kinagiliwan ng mga netizens

Proud na sinorpersa ng first time mommy na si Janella Salvador ang kaniyang mga fans at followers matapos niyang ipakita ang kaniyang post-baby figure, siyam na buwan matapos siyang manganak sa kanilang first baby ni Markus Paterson.

Sa Instagram post ni Janella, inamin pa nga nito noong una na nag-aalangan pa siyang i-post ang larawan dahil hindi pa siya handa sa kaniyang postpartum weight loss goals.

Pero hindi ito ininda ng aktres at tinuloy pa rin ang desisyon na sa ngayon ay mayroon ng 400,000 “likes” at mahigit 1,000 comments.


Ilang showbiz personality naman ang bumati sa magandang hubog ng katawan ng aktres kabilang sina Liza Soberano, Loisa Andalio, Jane Oineza at iba pa.

Facebook Comments