Shamcey Supsup, apat na buwan ng buntis

21

Triple celebration ngayong linggo si Miss Universe 2011 third runner-up, Shamcey Supsup dahil sa kabi-kabilang magandang balita niya.
Sa ika-32 na kaarawan ni Shamcey kahapon, May 16, si Shamcey at ang kanyang asawa na si Lloyd Lee ay masayang nagbukas ng kanilang ika-12 na venture ng negosyo na isang burger joint sa Taguig City.
Kasunod ng pagbubukas, isiniwalat ni Shamcey sa press na siya at si Lloyd ay nag eexpect sa pagdating ng kanilang pangalawang baby.


Si Shamcey at Lloyd ay may dalawang-taong-gulang na anak na babae na nagngangalang Nyke.
Ayon sa beauty queen, apat na buwan na siyang buntis at expecting daw ng isang baby boy.

Facebook Comments